"Louise anak may bisita ka, napalingon naman ako sa aking likuran habang nagliligpit ng aming pinagkainan nang tawagin ako ni Mamu Dyosa. Nagulat ako nang makita si Sha-Sha, matagal din kaming hindi nagkita simula noong nangyari sa sa'kin. Umupo kami sa sofa at tahimik lang kami na tila naghihintayan kung sino ang mauunang magsalita. "Kumusta ka na Lou?" marahang wika ni Sha-Sha. "Ayos naman ako. Bakit ngayon ka lang dumalaw? Matagal kitang hinihintay eh, akala ko galit ka sa akin." Saglit siyang natigilan at yumuko. Maya-maya ay pansin ko ang pamumuo ng luha niya sa kan'yang mga mata nang mag-angat siya ng mukha. "Lou, I'm sorry. P-patawarin mo ako. Hindi ko sinasadyang__" hinawakan ko ang kamay niya at saka ngumiti. "Kaibigan kita Sha, hindi kita kayang tiisin. Ikaw lang ang kaib