"Anak bakit ka magpapakasal sa lalaking hindi mo naman mahal?" tanong ni mama habang nakaupo kami sa mahabang sofa at kaharap naman ang dalawa kong kapatid. Sinabi ko sa kanila ang tungkol sa pagpapakasal ko kay Kristoff at ang tungkol sa kasunduan ng aking kinikilalang ina at ama ni Kristoff. Ayon pala ang sinasabing pagkakautang ni mama kay Don Miguel noong ibibigay niya ako sa aking ina at ako ang kabayaran na ipakasal sa kan'yang nag-iisang anak na si Kristoff. "Mama, iyon po ang napagkasunduan nila ni Don Miguel" "Pero pupwede ka pa namang umatras eh. Paano si Wallace anak? Hindi mo ba s'ya mahal?" hindi naman ako makatingin ng diretso sa aking ina. Hindi ko masabi sa kan'ya ang tunay na dahilan. "Louise kung iniisip mo ang naging relasyon ni Wallace kay Celestine, hindi mo d