WALLACE POV Tumawag sa akin si Shania at nakiusap na magkita raw kami kung saang restaurant kami madalas pumunta noon at may sasabihin daw siya sa aking importante. Tanghali ako nagtungo roon at hinihintay na lang siya. Ilang minuto pa ang nagdaan ay nakita ko na siyang papalapit sa puwesto ko. Naupo naman siya sa aking harapan at tipid na ngumiti. "K-kumusta ka na Doctor Miller?" "I'm good, ano nga pala ang sasabihin mo?" walang paligoy-ligoy kong tanong sa kan'ya. "Kung hinayaan ko sana kayo ni Louise hindi sana kayo nahihirapan ng ganito," malungkot na turan ko sa kan'ya. "I know Sha-Sha na hindi ka naman talaga masamang tao, nabalutan lang ng galit 'yang puso mo. Makakahanap ka rin ng isang lalaking deserving sa pagmamahal mo iyong mamahalin ka habang buhay." Ngumiti naman si