Pagkatapos ng party ay inihatid naman ako kaagad ni Kristoff sa bahay. Habang tinatahak namin ang daan pauwi ay nakatingin lamang ako sa labas ng bintana at lihim na lumuluha. Talaga ngang sinukuan na ako ni Doctor Miller. At nawalan na rin ako ng pagkakataong sabihin pa sa kan'ya ang tungkol sa pagbubuntis ko. Nakarating na kami sa aming bahay ay nakatingin pa rin ako sa labas at tulala. Inaalala ko ang mga binitawang salita niya sa akin kanina. "Love we're here." Saka lamang ako napalingon nang magsalita siya. "Kristoff, mahal mo ba talaga ako?" "Of course Louise I loved you" "Kapag mahal mo ang isang tao at alam mong hindi ka niya mahal dapat palayain mo na." Mataman ko siyang tinitigan at siya nama'y napaiwas nang tingin sa akin. "Susunduin kita bukas ng maaga kailangan nati