"Hey Wal," tawag sa'kin ni Jake pagkapasok niya sa loob ng aking opisina. Nakasandal ako sa aking swivel chair at nakapikit. "Why Jake? Wala ka bang pasyente ngayon?" wika ko sa kan'ya habang nanatili pa rin akong nakapikit. "Tapos na ang duty ko ngayon Wal pauwi na rin ako. Kaya ako nandito para sabihin sa'yo na bukas na ang kasal ni Louise." Sa sinabing iyon ni Jake ay doon lamang akong nagmulat ng aking mga mata at tinitigan siya. "Ano Wal hindi mo man lang ba siya pipigilan? Wala ka na ba talagang balak kunin si Louise?" Sandali akong natahimik at napaiwas nang tingin sa kan'ya. "Babalik na ako Amerika sa susunod na araw" "What?! What the hell are you thinking Wal? Are you out of your f*****g mind?! Mariing sigaw sa akin ni Jake. Natawa ako ng pagak dahil ngayon lang niya ak