CHAPTER 14

1712 Words
"Talaga ba Wal?! Gulat na sambit sa'kin ni Jake. Umagang umaga naririto si Jake sa aking Condo dahil wala rin naman siyang clinic ngayon kapag araw ng linggo. Samantalang ako kailangan pumasok sa ospital dahil marami akong pasyente kahit na weekends. "Kasalanan mo 'to eh!" Singhal ko naman sa kan'ya habang nagtitimpla ako ng kape. Nakasandal naman s'ya sa ref at pinapanuod lang ako sa ginagawa ko. "Alam mo Wal pagkakataon mo na 'yon, saka dati rati naman gamit na gamit 'yang kamote mo halos mapudpod na nga 'yan kabibira mo!" "Gusto mong mabuhusan ng mainit na kape?" Natawa lang siya sa banta ko. "E ano lang nangyari?" "Wala, tipid kong sagot sa kan'ya at nagtungo ako sa sala at siya naman ay nakasunod lang. "Hindi ba mahilig ka sa malalaki ang dyoga?" Sinamaan ko naman s'ya ng tingin bago humigop ng kape. "I don't like her" "E sinong like mo? Si Doctora Alcantara?" Natahimik lang ako at napaiwas ng tingin sa kan'ya" "Wal hindi siya si Celestine" "I know Jake! I know" "Sa nakikita ko sayo mukhang nahuhamaling ka na sa Doctora na 'yan eh" "Hindi 'yon okay. Gusto ko lang talaga malaman kung sino talaga s'ya," pagsisinungaling ko sa kan'ya. Ang totoo n'yan may kung ano na akong nararamdaman para kay Doctora Alcantara. Sumandal naman si Jake sa sofa at tinitigan ako nang makahulugan. "What look is that for?" "Wal, like what I've told you before 'wag kang maiinlove sa kan'ya kung si Celestine lang naman ang nakikita mo sa kan'ya at isa pa may boyfriend na s'ya na fiance na n'ya ngayon," tumayo na si Jake at marahang tinapik ang aking balikat bago lumabas ng aking Condo. Totoo nga na si Celestine ang nakikita ko sa kan'ya pero bakit iba ang nararamdaman ko? Tulad ito ng nararamdaman ko noon kay Celestine. Tumayo ako at mariing sinabunutan ang aking buhok. "Nababaliw na ata ako! Bakit ba kasi kailangan kong maramdaman ito? Wika ko sa aking sarili. Napabuga ako ng malakas sa hangin at hinilot ang aking sentido. Tanghali na ako pumasok sa ospital dahil medyo sumama rin ang aking pakiramdam. Nasa fifteenth floor pa lang ang elevator kaya sumandal muna ako sa pader at inilagay ang aking dalawang kamay sa bulsa ng aking pantalon. Yumuko muna ako at pumikit sandali. Ang init ng pakiramdam ko pero hindi ko na lamang ito pinansin. Nang marinig ko na ang tunog ng elevator hudyat na nasa tamang palapag na ay saka lamang ako dumilat. Napansin ko naman si Doctora Alcantara na papalabas na ng elevator at taka ako nitong tinitigan, ngunit hindi ko na lamang ito pinansin at derederetso akong pumasok sa loob. Medyo masama rin kasi ang pakiramdam ko at paniguradong tatarayan na naman n'ya ako sa oras na pansinin ko s'ya. Nang makapasok na 'ko sa loob ng aking opisina ay mabilis akong nahiga sa sofa at pinagkrus ko ang aking mga braso. Hinayaan ko na lang muna ang sarili kong matulog at mamaya na lang din ako magrorounds para bisitahin ang mga pasyente ko. Tulala ako habang papunta sa canteen para bumili ng maiinom. Naiisip ko si Doctor antipatiko. "Bakit kaya gano'n ang itsura n'ya? Bakit ang putla-putla niya? May sakit kaya s'ya? Bulong ko sa aking sarili. "Teka nga muna bakit ko ba s'ya inaalala, e ano naman kung may sakit s'ya? At isa pa Doctor siya kaya naman n'ya alagaan ang sarili niya." Papasok na sana ako ng canteen nang biglang tumunog ang cellphone ko. Tinignan ko kung sino ang tumatawag at napairap na lang ako at pagkuway sinagot ko na rin dahil hindi ako titigilan ng babaeng ito. Kilala ko s'ya kapag bigla-bigla na lang siyang tumatawag, panigurado may nabiktima na naman ito. "O bakit?" Bungad ko sa kan'ya pagkasagot ko ng telepono. "Grabe ka naman Lou hindi mo ba 'ko namiss?" "Paano kita mamimiss tumatawag ka lang naman sa'kin kapag may bago kang jowa o di kaya heartbroken?! "Wag ka nang magtampo okay? Nandito na 'ko ngayon sa Pilipinas!" Tili nito sa kabilang linya. Nanlaki naman ang mata ko dahil sa excitement. "Talaga ba Sha hindi ka nagbibiro? Kailan pa?" "Noong last week pa, pumunta muna 'ko sa Bataan para dalawin sila lola bago ako dumeretso rito sa Manila" "Nakakainis ka naman! Bakit ngayon ka lang tumawag sa'kin e 'di sana nasundo kita," may pagtatampong turan ko sa kan'ya. "Sorry na po Doctora Louise Alcantara! Natawa na lang ako sa kan'ya. "Kailan mo naman balak magpakita sa'kin? "Kailan ka ba pwede? Saka isa pa tumawag ako sa pinagtatrabahuhan mong ospital wala ka na raw do'n" "Wala na talaga ako ro'n kasi nilipat nila ako rito sa Southville Hospital" "Talaga ba?! Sigaw n'ya sa kabilang linya. "Oo no, isang b'wan mahigit na. Saka bakit parang nagulat ka?" "Magkita tayo mamaya may ikukwento ako sayo" "Hay nako mukhang alam ko na yan!" "Basta tatawagan kita mamaya okay?! Love you Lou!" Matapos naming mag-usap ay naiiling naman ako dahil mukhang excited ang kaibigan kong si Sha-Sha. Bago ako umuwi ay tinawagan ko naman si Kristoff na h'wag muna akong sunduin dahil magkikita kami ngayon ni Sha-sha. Nasa ground floor na 'ko nang mamataan ko si Doctor Miller na parang may iniinda. Pinagmasdan ko naman s'ya, maputla s'ya at halatang may sakit. Lalapitan ko sana s'ya kaya lang nakasakay na s'ya sa elevator. Nag-isip muna ako kung susundan ko s'ya o hahayaan na lang. "Sundan ko kaya? Nakakaawa naman eh. Ay h'wag na lang! Doctor s'ya kaya naman n'ya sarili n'ya." Hindi pa 'ko nakakalayo ng bigla akong huminto at bumalik. Pinindot ko naman ang elevator pataas para puntahan ang opisina ni Doctor Miller. Ipagtatanong ko na lang kung saan ang opisina n'ya. Nang makarating na 'ko sa eighteenth floor ay pinagtanong ko na lang kung saan ang opisina ni Doctor Miller sa nurse station. "Excuse me Nurse saan po ang opisina ni Doctor Miller?" Nagulat pa ang isang Nurse sa'kin na tila nakakita ng multo. "Ce-celestine?" "Ay hindi po Celestine ang pangalan ko, Doctor din po ako dito. Ako nga pala si Doctora Louise Alcantara," nakangiti kong sambit sa kan'ya. "Oh my God! Napatutop pa siya ng bibig at nanlaki ang mga mata. "Ayos ka lang ba?" "A-ayos lang po ako, nasa bandang k-kaliwa po ang opisina n'ya" nauutal niyang wika sa'kin na ikinataka ko at hindi pa rin inaalis ang pagkakatitig sa akin. "Sige salamat." Nagtungo na kaagad ako sa opisina ni Doctor Miller. Bago ako kumatok ay huminga muna ako ng malalim. Kumatok naman ako ng tatlong beses ngunit wala pa ring sumasagot, kaya kumatok ulit ako. "Pasok, mahina n'yang sagot na halata sa boses niya na meron talaga s'yang sakit. Dahan-dahan ko namang binuksan ang pinto at nakita ko siya sa kan'yang mahabang sofa na nakaupo. Nakasandal ang kanyang likod at nakapikit. Unti-unti naman akong lumapit sa kan'ya at pansin ko ang maputla niyang mga labi. Bigla naman akong naawa sa nakita kong itsura n'ya. At mas lalo akong nahabag ng maalala ko na wala na nga pala s'yang asawa na dapat ay nag-aalaga sa kan'ya. Nagulat naman ako ng bigla s'yang umubo ng bahagya ngunit nanatili pa ring nakapikit ang kan'yang mga mata. Marahan akong lumapit sa kan'ya para hawakan sana ang noo n'ya. Ngunit hindi pa lumalapat ang palad ko ay unti-unti naman s'yang dumilat kaya nanatiling nasa ere ang aking kamay at gulat s'yang tinitigan. "I-I'm sorry, a-ano kasi ahhm…. Ibababa ko na sana ang aking kamay ng bigla n'ya itong hawakan at hinila pa n'ya ako palapit sa kan'ya kaya naman napadagan ako sa malapad n'yang dibdib. "A-ano bang ginagawa mo?" Kinakabahan kong tanong sa kan'ya. "Ako dapat ang magtanong sayo n'yan, anong ginagawa mo dito?" Paos n'yang tanong sa'kin. Malamlam ang mga mata n'ya at malalim ang kan'yang paghinga na parang pinipilit lang ang kan'yang sarili. "N-nakita kasi kita k-kanina, napansin ko kasing m-may sakit ka kaya.. Kaya ano… "Nag-aalala ka sa'kin?" Napamulagat naman ako at hindi makapagsalita. Tatayo na sana ako ngunit mabilis ang kan'yang pagkilos. Bigla ako nitong inihiga sa sofa n'ya at siya'y nakapaibabaw sa akin. Ramdam ko naman ang mabilis na pagtibok ng aking puso na hindi ko naranasan kahit kay Kristoff. Hindi ito maaaring mangyari, kay Kristoff ko dapat maramdaman ito at hindi sa lalaking ito. Ramdam ko rin ang init ng kan'yang katawan dahil sa sakit nito. Napakagat labi na lang ako dahil sa klase ng mga titig n'ya. "Stop doing that" "H-ha? "Stop bitting your lips, I dont want to see you doing that again," matapos n'yang sabihin 'yon ay saka lamang s'ya umalis sa aking ibabaw at mabilis naman akong umayos ng pagkakaupo. "K-kaya pala ako nandito d-dahil nakita kong hindi maganda ang p-pakiramdam mo," nauutal kong saad sa kan'ya ng hindi man lang s'ya tinitignan. "And then?" "Ahhm..a-ano, gusto ko lang ibigay sayo 'tong gamot," sabay abot ko sa kan'ya na nakasupot na gamot. Matagal n'ya akong tinitigan, at ng hindi n'ya ito kinukuha ay ipinatong ko na lang sa kan'yang center table. "Doctor ka pero hindi mo kayang gamutin ang sarili mo," nasabi ko na lang at tumayo na 'ko para lumabas na sana ng opisina n'ya. "Why are you doing this?" Napahinto ako at muli s'yang tinitigan. Ito ang pinaka ayaw kong maramdaman, na hindi ko dapat maramdaman sa iba. Napalunok muna ako bago muling nagsalita. "Concern lang ako that's it!" Tumango lamang s'ya at napaiwas ng tingin. "S-sige aalis na 'ko," nakahawak pa lang ako sa seradura ng muli n'ya akong tawagin dahilan para mapalingon ako. "Doctora Louise Alcantara, please don't do that again what you did earlier," nagtaka naman ako dahil hindi ko alam kung ano ang nagawa ko. Nagagalit ba s'ya dahil pinuntahan ko s'ya? Bulong ko na lang sa aking sarili. "Sorry I won't do that again," sabay labas ko sa kan'yang opisina. Napasandal naman ako sa kan'yang pintuan nang makalabas na ako at bumuntong hininga. Napatapik ako sa aking noo at napakagat labi. "Kung alam ko lang na hindi n'ya pala gusto 'yong ginawa ko, e 'di sana hindi ko na lang s'ya pinuntahan at dinalhan ng gamot. Doctor pa naman s'ya pero sakit niya hindi n'ya kayang gamutin, ako na nga 'tong concern tapos parang nagalit pa yata," sabi ko sa aking sarili at padabog na umalis sa lugar na 'yon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD