"Doctor Miller may bisita po kayo," wika sa'kin ng aking sekretarya nang makapsok siya sa loob ng aking opisina.
"Sino raw?"
"Miss Shania raw po"
"Shania?" Takang tanong ko.
"Opo Doc"
"Sige papasukin mo," wika ko habang nakatutok pa rin ako sa aking laptop.
"Hi Doctor Miller," nag-angat lang ako ng tingin nang magsalita siya. Napatayo akong bigla at gulat siyang tinitigan.
"Oh hi! How did you know that I was working here?"
"Sa ID mo, pasensya na kung kinalikot ko ang gamit mo hinahanap ko kasi address mo kung saan ka nakatira"
"It's okay upo ka muna"
"Salamat"
"Ano nga palang sadya mo rito?"
"Yayayain sana kitang magdate," napamaang naman ako sa kan'ya at napatulala.
"H-ha? Ahhmm, ano…
"Remember may utang ka pa sa'kin?"
"Ah 'yon ba? Sige kailan?" Nakangiti kong saad sa kan'ya.
"If you're free today why don't we go out later?" Saglit muna akong nag-isip saka siya muling binalingan.
"Okay, just give me your number and i'll call you later"
"Sure! Isinulat naman niya sa papel ang kan'yang numero saka niya ibinigay sa akin.
"Make sure na tatawagan mo 'ko ah kung hindi gagahasain kita dito," napaubo naman ako at ininom ang bottled water na nasa gilid ng aking mesa.
"Joke lang Doctor Wallace Miller," sabay ngisi pa nito sa 'kin.
"Don't worry I'll call you later," tumayo na siya at bago pa siya makalapit sa may pintuan ay lumingon pa itong muli sa akin.
"Bye my future boyfriend!" Nanlaki naman ang aking mata at hindi makapagsalita. Nakaalis na siya ngunit ako ay sadyang tulala pa rin. Kasalanan ito ni Jake eh, kung hindi sana niya ako pinagtulakan sa babaeng 'yon hindi ako mamomroblema. Alam kong hindi pa ito natatapos, may darating pang kasunod ang pagyaya niya. Pupunta sana ako sa O.R dahil may naka schedule akong surgery ngayon nang makita ko si Doctora Alcantara na may kausap na batang lalaki sa labas ng E.R at umiiyak. Huminto muna ako saglit at pinagmasdan sila. Kita ko sa mata ng batang lalaki ang lungkot kaya niyakap niya ito.
"Huwag ka nang malungkot magiging okay din ang mama mo, basta samahan mo lang ng dasal." Narinig kong wika niya sa bata.
"Paano po kung hindi na siya gumaling? Paano na 'ko maiiwan akong mag-isa? Kita ko sa mukha ni Doctora Alcantara ang lungkot sa kan'yang mukha, at pati ako ay nalungkot sa nakikita sa kan'ya.
"Don't worry magagaling ang mga Doctor dito pagagalingin nila ang mama mo"
"Salamat po Doctora ganda," nangiti naman ako sa sinabi ng batang lalaki sa kan'ya at mas lalo pang nagwala ang puso ko nang makita ko kung paano siya ngumiti. Oh f**k Wallace! Maghunos dili ka, kung ano man 'yang nararamdaman mo hindi mo pwedeng maramdaman sa kan'ya 'yan! Sigaw ng aking isip. Bago pa ako makaalis sa lugar na 'yon ay narinig ko pa ulit silang nag-usap.
"kayo po Doctora nasaan po ang mama niyo?" napansin ko namang natigilan siya at pilit na ngumiti sa bata.
"wala na siya eh, nasa heaven na siya." Kita ko ang lungkot sa kan'yang mga mata ng sabihin niya 'yon. Nagtagal pa ako ng ilang segundo at nagpasya na rin akong umalis at dumeretso na sa O.R.
Alas siyete na ako natapos sa duty ko at kasalukuyan nag-aayos na ng aking gamit ng makita ko ang isang papel na may numero ni Shania. Oo nga pala may usapan nga pala kami, nasabi ko sa aking sarili. Bumuntong hininga muna ako at saka dinial ang kan'yang numero.
"Hello? Sagot niya sa kabilang linya.
"Hello Shania it's me Wallace"
"Oh hi! Akala ko hindi mo na 'ko tatawagan eh"
"I'm sorry now lang natapos ang duty ko eh"
"Okay lang basta ikaw, so saan tayo magmeet?"
"Ikaw na ang bahala kung saan mo gusto"
"Ako ang bahala?"
"Yes!" Saglit muna siyang hindi nagsalita.
"E kung sa hotel?"
"What!? Sigaw ko habang hinihilot ang aking sentido. Narinig ko pa siyang tumawa ng mahina.
"Hindi ba sabi mo ako ang bahala?"
"Oo nga pero bakit do'n?"
"I'm just kidding okay? Let's meet malapit diyan sa ospital may restaurant akong nakita na bagong bukas, I'll be there in 15 minutes.
"Alright, I'll fix some things here in my office pupunta na rin ako diyan"
"Okay see you later honey!" Napabuntong hininga na lang ako saka binaba na ang tawag.
Pagkapasok ko ng restaurant ay nakita ko siya kaagad at kinawayan naman ako nito.
"Kanina ka pa?" Tanong ko sa kan'ya nang makaupo na ako sa kaniyang harapan.
"Hindi naman kararating ko lang din"
"Okay let's order what do you want to eat?
"You"
"H-ha? Gulat ko siyang tinitigan habang hawak ko ang menu.
"I mean ikaw anong gusto mong kainin? Kasi ako kahit ano"
"Okay ako na lang ang oorder para sa'tin"
"Sure!" Nang dumating na ang order namin ay tahimik lang din kaming kumakain. Maya-maya ay siya na rin ang bumasag ng katahimikan.
"So, may girlfriend ka na?"
"Wala, tipid kong sagot.
"Sa g'wapo mong 'yan wala kang girlfriend?"
"Hindi naman porket g'wapo kailangan may girlfriend na?" Bakit ikaw may boyfriend ka na?"
"Wala rin"
"Kita mo na, ikaw nga maganda pero wala ring boyfriend," biro ko naman sa kan'ya.
"E 'di tayo na lang dalawa!" muntik pa 'kong masamid sa kan'yang sinabi.
"Are you serious?"
"Oo naman! Saka bagay naman tayo ah," napamaang ako sa kan'yang sinabi. Kung fling lang, walang problema sa'kin tutal gano'n naman ako dati. Kaso hindi ko na siya kayang gawin, at never na 'ko manloloko ng babae. Baka kasi isang araw muli akong magmahal at mawala na naman siya sa aking muli.
"Marami namang lalaki riyan bakit ako pa?" Wika ko sa kan'ya habang umiinom ng wine.
"E kasi na love at first sight ako sayo," ngumiti lang ako sa kan'ya ng pilit. Bigla kong naalala si Celestine. Ganoon din ang naramdaman ko sa kan'ya noong una ko siyang makita. Kaya hindi ko rin masisi si Shania kung ayon din ang naramdaman niya sa'kin.
"O, bakit hindi ka makapagsalita diyan?"
"Ano bang nagustuhan mo sa 'kin?"
"Gwapo ka kasi, at saka alam mo na mahilig ako sa malaki," namilog pa ang aking mga mata at malakas na napabuga sa hangin. Oo nga pala wala akong saplot noong nagising ako sa bahay niya. At malamang nakita na niya ang hindi dapat niya makita.
"So, nakita mo talaga?"
"Hmmmn," tipid niyang sagot habang nakatitig sa'kin.
"Bakit mo ba kasi ako hinubaran?"
"Hindi kita hinubaran no! Ikaw kaya naghubad sa sarili mo"
"A-ako?"
"Oo ikaw nga, akala mo siguro nasa sarili mong bahay ka"
"I'm sorry wala kasi akong maalala"
"Wala ka talagang maaalala kasi lasing na lasing ka, pero infairness ah kahit lasing ka tayong tayong!" Napaubo naman ako ng malakas at uminom ng tubig. Tumingin pa ako sa aming paligid kung may nakarinig sa kan'yang sinabi, mabuti na lamang kakaunti pa lang ang taong kumakain sa restaurant.
"Tinignan mo talaga ah!"
"Hindi ko naman sinasadyang makita," napairap pa ito saka muling sumubo ng kan'yang pagkain. Napailing na lang ako dahil masyadong bulgar ang babaeng ito. Nang matapos na kami kumain ay nagyaya na rin akong umuwi. Nauna nang lumabas si Shania ng restaurant. Hindi pa ako nakakalabas sa may pintuan ay nakita ko naman sa di kalayuang pwesto si Doctora Alcantara kasama ang fiance niyang si Kristoff. Kita ko sa mukha niya ang saya habang kasama niya si Kristoff, hindi ko malaman ang pakiramdam ko ngayon sa tuwing nakikita ko siya. Hinawakan ko ang aking puso, no! this is not right, kamukha lang niya si Celestine kaya ko nararamdaman ito. Napailing na lang ako at tuluyan nang lumabas ng restaurant.
"Alam mo mas lalo kang gumaganda kapag lagi kang nakangiti," saad sa'kin ni Kristoff.
"Ibig mong sabihin pangit ako kapag hindi nakangiti?"
"Hindi naman s'yempre maganda ka pa rin"
"Ay sus! bolero ka talaga"
"Sana ako ang rason kung bakit ka masaya," seryoso niyang turan.
"Kristoff masaya ako kapag kasama ka, ikaw ang nagpapasaya sa'kin tandaan mo 'yan." Ngumiti s'ya sa'kin pero halata ang lungkot sa kan'yang mga mata.
"Sana Louise dumating na ang araw na masabi mo sa'kin na ako ang gusto mo makasama habang buhay, at masabi mo rin sa'kin na mahal mo ako," napayuko na lang ako at muli siyang tinitigan at kinuha ang isang kamay niya na nakapatong sa lamesa.
"Hindi ba sabi ko naman sayo na I will do my very best para matutunan kang mahalin?"
"Maghihintay ako Louise, kahit ilang taon pa, mahal na mahal kita at gagawin ko ang lahat maging masaya ka lang." Hinalikan niya naman ang kamay ko at marahang hinaplos. Pagkatapos naming kumain ay hinatid niya muna ako sa bahay. Naabutan ko pa si mamu Dyosa at mamu Edna na nanonood ng t.v.
"Hi mga mamu! Hinalikan ko naman sila sa kanilang pisngi at umupo sa gitna nila.
"Kumain ka na ba anak? Saad sa'kin ni mamu Dyosa habang nakatutok sa kaniyang pinapanuod.
"Opo mamu kumain kami sa labas ni Kristoff"
"Kumusta na nga pala anak iyong sinasabi mong Doctor na binubwisit ka? Ano inaasar ka pa ba?" Si mamu Edna naman ang nagtanong.
"Hindi ko na siya masyadong nakikita mamu eh"
"E bakit parang ang lungkot mo yata?"
"Hindi ah! Mas okay nga 'yon atleast natatahimik ang buhay ko"
"Anak ingatan mo lang iyang puso mo ha? Baka kasi hindi mo namamalayan na may tao ka palang nasasaktan," natigilan naman ako sa sinabi ni mamu Dyosa at napatitig sa kan'ya.
"A-ano po bang sinasabi niyo mamu?" Napaiwas naman ako at binaling ang tingin sa pinapanood nila.
"Pinapaalalahanan ka lang namin ni mamu Dyosa mo anak baka kasi sa iba mo maibigay 'yang puso mo tapos may isang tao naman na umaasa sa pagmamahal mo"
"Mamu hindi naman po mangyayari 'yon saka si Kristoff ang lagi kong kasama at matagal ko na rin namang kilala"
"Anak hindi sa tagal ng pagkakakilala 'yan, pag once na tumibok na ang puso mo doon mo lang malalaman at hindi mo na mapipigilan 'yan." Malalim na sa gabi pero hindi pa rin ako makatulog, iniisip ko 'yong mga sinabi sa 'kin nila mamu. Paano nga kaya kung hindi ko maibigay ang pagmamahal na inaasam ni Kristoff? Napabangon naman ako at tumayo sa tapat ng aking malaking bintana. Binuksan ko ito at niyakap ang aking sarili dahil sa lamig ng hangin na dumadapo sa aking balat. Napapikit ako, ngunit sa aking pagpikit ay mukha ni Doctor Miller ang aking nakita. Napadilat akong bigla at napahawak sa aking puso.
"No, I must be crazy! Hindi ako magkakagusto sa isang katulad niya" sabi ko sa aking sarili. Tinapik tapik ko pa ang aking pisngi para magising sa katotohanan.
"I will never ever fall in love with him. Kristoff is way much better than Doctor antipatiko," pagkasabi kong iyon ay mabilis na akong humiga sa aking kama at mariing pumikit.