Pasado alas-siyete na nang matapos ako sa medical mission, hindi kami magkasama ni Doctor Miller dahil may pinuntahan pa silang isang pasyente sa isang baryo. Kasalukuyang naglalakad na ako papunta sa hotel na tinutuluyan namin ng may isang batang lalaki ang humahangos papunta sa kinaroroonan ko. "Doctora! Doctora!" Tawag ng batang lalaki habang tumatakbo papunta sa akin. Umiiyak ito at wari ko'y galing pa sa malayong lugar. "Bakit, anong nangyari?" "Tulungan niyo po ako doctora, ang nanay ko po!" "Bakit anong nangyari sa nanay mo?" "Parang hindi na po kasi siya humihinga, sumuka po siya ng dugo kanina tapos bigla s'yang nawalan na nang malay," umiiyak na turan sa'kin ng bata. Napaisip naman ako at minumukhaan ang bata, na para bang nakita ko na s'ya kung saan. "Sige dalhin mo ako