Bago ako magsimula ay inayos ko muna ang mga gamit ko. Marami na ring mga residente ang nakapila dito sa stadium kung saan kami may medical mission. Kita ko naman sa 'di kalayuan si Doctor Miller na masuyong nakatingin sa akin at nakahalumbaba pa ito. Naiiling na lang ako sa kan'ya at pinagpatuloy ang aking ginagawa. "Doctora para sa'yo oh," napatingala naman ako kung sino ang nagbigay sa akin ng juice. Isa rin siyang Doctor at nakangiting-nakangiti ito sa akin. "S-salamat," wika ko sa kan'ya. Maya-maya ay may lumapit namang Doctor din at binigyan ako ng sandwich, kaya napatingin akong muli sa kan'ya. "Baka nagugutom ka na Doctora?" "Ha? Ahm, h-hindi naman pero salamat na rin," naiilang ko namang sagot sa kan'ya habang abala pa rin ako sa pagkuha ng B.P ng pasyente ko. "Naku Docto