"Maaga akong umalis ng bahay dahil ngayong araw ang alis namin papuntang Quezon para sa medical mission. Hindi ko sinabi kay Kristoff kung anong oras ang alis ko dahil magpupumilit siyang ihatid ako sa ospital. Ayoko namang maabala siya sa kan'yang pagtulog dahil alas-kuwatro ng madaling araw kami aalis kaya alas-tres pa lang ay umalis na 'ko ng bahay. Dalawang bus ang nakaparada sa harap ng ospital at sasakyan namin papuntang Quezon. Binati naman ako ng ibang Nurse na nakakasalubong ko. Pasimple ko namang hinahanap si Doctor Miller pero sadyang hindi ko siya makita, siguro ay nahuli lang ito. Pag-akyat ko ng bus ay nakita ko naman na panay lalaking Nurse at Doctor ang nakasakay roon, napabuntong hininga naman ako at napakagat labi. "Doctora dito ka sa tabi ko may bakante pa oh," sabi sa