Nagising ako nang nakayakap sa'kin si Doctor Miller, tiningala ko siya at himbing na himbing siya sa kan'yang pagtulog. Tinignan ko naman ang relo kong pambisig, ala-una na ng madaling araw. Nanlaki ang mata ko dahil hindi ko naman namalayang napasarap pala ang tulog ko dahil na rin sa pagod. Medyo masakit pa ang parteng ibaba ko pati na rin ang mga binti ko dahil sa mainit na tagpong nangyari sa amin dito sa loob ng kan'yang sasakyan. Kinagat ko naman ang ibabang labi ko nang maalala ko ang mga naganap sa amin. Marahan kong hinaplos ang kan'yang pisngi, mata, ilong at panghuli ang kan'yang mapupulang labi. Ang mga labi niyang gusto ko palaging tikman. Hindi ako magsasawang angkinin ang mga labi niya na kasing sarap ng matamis na candy. Dahan-dahan siyang nagmulat at ngumiti sa'kin at pagk