WARNING!!! RATED SSPG!!! BELOW 18 YEARS OLD ARE NOT ALLOWED TO READ THIS PART, KUNG HINDI KAYANG SIKMURAIN HUWAG BASAHIN, BASTA AKO NAGWARNING NA AKO SA INYO... Pumunta kami sa isang tahimik na lugar, at kitang-kita mula rito sa aming kinatatayuan ang city lights. Kay ganda nilang pagmasdan, habang nakatingin ako sa kumikinang na ilaw ng mga naglalakihang gusali ay yumakap naman sa'kin si Doctor Miller mula sa aking likuran habang nakaupo siya sa nguso ng kan'yang sasakyan. Napahawak na lang ako sa kan'yang mga braso at marahang hinimas ito. "Paano mo nalaman 'tong lugar na to?" Malapit lang kasi dito 'yong bahay namin," napatingin akong bigla sa kan'ya at ang baba niya ay nakapatong sa aking balikat. Ang lapit na naman ng mukha namin at nakita ko naman ang mapang-akit niyang mga lab