Nakatayo ako sa harap ng aking bintana at matamang nag-iisip. I remember the scene I saw earlier between Louise and Kristoff. Napabuga na lang ako ng malakas sa hangin at naupo sa aking swivel chair at sumandal. Binasa kong muli ang resulta ng DNA ni Louise at Celestine hindi pa rin ako makapaniwala sa aking nakikita, kailangan kong makausap si mama Celicia para malaman ang katotohanan. Halata naman sa una pa lang, dahil magkamukhang magkamukha sila. "90.0 percent," nasabi ko sa aking sarili habang nakatitig pa rin sa DNA result. Tumayo ako sa aking upuan at pupuntahan si Louise. Kumatok muna ako bago pumasok sa kuwarto kung saan naka-confine ang Mamu ni Louise. Sabay naman silang napatingin sa akin pagkapasok ko sa loob at gising na rin ang tinatawag niyang Mamu Dyosa. Hindi ko naman na