“WALA kang dapat na ihingi ng tawad sa amin, Sir Samuel. Dahil una sa lahat, hindi mo naman talaga alam ang kaugnayan ni Micah kay Donitah nang makilala mo siya,” puno ng sinseridad na wika ng ama ni Micah nang magkausap ito at ang kaniyang nobyo. Kababalik lang nila galing California at agad na kinausap ni Samuel Junior ang kaniyang mga magulang. “At saka, isa pa, may mga bagay talaga sa mundo na hindi natin kontrolado at nangyayari dahil iyon ang nakatadhana. Ang mahalaga ay kung paano mo harapin ang mga bagay na iyon.” “At ang importante rin ay mahal mo ang aming anak,” seryosong sabat naman ng ina ng dalaga. “Wala na tayong magagawa sa nakaraan. Ipagpasalamat na lang natin na dumating sa buhay natin sina Xia at Xandra,” dagdag pa nito at saka pa lang napangiti. Kahit sina Micah at Sa