SAMANTHA’S POV ISANG BUWAN na rin kaming nagsasama ni Carlos at sa loob ng mga panahong iyon ay wala na akong masabi kundi masaya at kuntento ako sa piling niya. Ano pa nga ba ang mahihiling ko kung may asawa na ako na guwapo at sobrang mapagmahal tapos may instant baby pa ako na si Baby Ellie habang bumubuo pa kami ni Carlos ng sariling amin. And I’m sure na makakabuo na kami this time. Halos araw-araw ng may nangyayari sa amin at wala naman kaming ginagamit na ano mang protection. Kaya kampante ako na next month lang ay mabubuntis na ako at masisilayan na namin ni Carlos ang anak namin. Mabibigyan na namin ng kapatid si Baby Ellie. Two weeks na rin pala simula nang tumigil ako sa pagtatrabaho. Medyo inabot din ng two weeks ang resignation ko. Hindi kasi ako puwedeng umalis habang wa