DOC CARL’S POV KATATAPOS lang ng duty ko sa ospital. Nagliligpit na ako ng mga gamit ko para umuwi. Excited na akong makita at makasama uli ang mag-ina ko. Araw-araw ko silang nami-miss. Walang oras na hindi sila ang laman ng puso’t isip ko. Kung puwede nga lang na huwag na akong magtrabaho para hindi ako umalis ng bahay at magkasama lang kami palagi. Pero hindi puwede. Dahil kahit marami na akong pera, hindi ako puwedeng tumigil sa paghahanapbuhay, lalo na ngayon na may pamilya na ako na gusto kong bigyan ng masaganang buhay. Hindi naman ako naghahangad ng sobra-sobra. Lalo na at alam ko naman na hindi maluho ang asawa ko. Kaya nga masuwerte ako sa kaniya. Pero hindi natin masasabi ang panahon. Maraming puwedeng magbago. Katulad na lang ng nangyari sa pamilya ni Samantha nang magkasak