SAMANTHA’S POV “BABE, may problema ba?” nagtatakang tanong ko kay Carlos dahil napansin ko na kanina pa siya parang balisa simula nang dumating siya galing ospital. Pati sa pagkain namin sa hapunan ay parang hindi rin siya mapakali. Panay ang sulyap niya sa akin na para bang may gustong sabihin. Alam kong may mali sa kaniya. I can feel it. Pero hindi ako nangahas na magtanong kasi nasa hapag-kainan kami. And besides, hinihintay ko rin na siya ang mag-open up sa akin. Baka kasi tungkol lang sa trabaho niya at hindi pa siya handang i-share sa’kin. Pero hindi ako matatahimik at makakatulog hangga’t alam kong may gumugulo sa isipan ng asawa ko. Kaya nagtanong na ako habang magkatabi kami sa higaan. Mahimbing na rin ang tulong ni Baby Ellie sa crib na katabi lang nitong kama namin. Mamaya ko