SAMANTHA’S POV AKALA ko kaya kong tiisin na huwag na munang bumalik sa ospital hangga’t hindi pa bumabalik ang alaala ni Carlos. Dahil gusto kong magtira ng kahit kaunting para sa sarili ko. Iyon ang sabi sa akin ng mga magulang ko. Kahit ilang linggo lang daw. Ipahinga ko naman ang sarili ko sa dami ng pagod at hirap na naranasan ko sa buhay ko. Lalo na at alam ko na simula raw nang malaman ni Cherry Mae na siya ang naalala ni Carlos, araw-araw na rin itong nagbabantay sa ospital. Pero isang linggo pa lang na nandito kami sa poder ng pamilya ko, hindi na ako mapakali hangga’t hindi ko nakikita ang aking asawa. Halos araw-araw akong nag-aalala sa kalagayan niya. Kahit parati naman akong tinatawagan ng parents niya para i-update ako. Ayon daw sa doctor, maayos na raw ang kalagayan ni Ca