CHAPTER 54

2257 Words

SAMANTHA’S POV “WHAT’S behind that beautiful smile?” Napakurap-kurap ako nang marinig ko na nagsalita si Carlos kaya mabilis akong napalingon sa kaniya. Gano’n na lang kalakas ang t***k ng puso ko dahil nahuli ko siya na may simpatikong ngiti sa kaniyang mga labi habang titig na titig sa akin. Tumikhim ako sandali bago pasimpleng sinalubong ang kaniyang tingin. “W-wala naman po, Doc. May naalala lang ako bigla,” palusot ko. Ilang araw kong sinanay ang aking sarili na tawagin siya uli na ‘doc’. Kaya pakiramdam ko tuloy, para kaming bumalik sa dati. Mahirap man pero pilitin kong kayanin para sa asawa ko, para kay Baby Ellie. Para sa pamilya namin. “Siguro naalala mo ang boyfriend mo, ‘no? Kasi parang kinikilig ka.” Muntik na akong masamid ng sariling laway ko dahil sa kaniyang tinu

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD