"NARINIG mo ba ang sinabi ko, Samuel? Ninakaw mo ang puso ko... kaya hindi ko papayagan na umalis ka na dala-dala iyon." Natigagal si Samuel Junior sa narinig. Biglang umugong ang tuksuhan sa paligid lalo pa nang lapitan siya nito at naglambitin sa kaniyang batok. "A-ano ba ang pinagsasabi mo, Micah?" tanging sambit ng binata sa kabila ng malakas na kalabog sa loob ng dibdib niya. "Talaga bang masaya ka na pinaglaruan ako? Ganiyan ka ba gumanti sa pag-aakala mong panloloko ko sa'yo?" Pero sa halip na pansinin ang mga sinabi niya, lalo pang inilapit ni Micah ang sarili nito sa kaniya at saka ipinatong ang daliri nito sa ibabaw ng kaniyang mga labi para patigilin siya sa pagsasalita. “Alam mo naman na ikamamatay ko kapag hindi naibalik ang puso ko. At kapag nangyari ‘yon, siguradong ha-h