MALAKAS na napasinghap si Micah nang maramdaman niya ang dahan-dahan na paghubad ni Samuel Junior sa mga damit niya. Pagkatapos niya itong mapigilan na umalis ay sa farm na muna dumiretso. Nagpaalam na lamang siya sa kaniyang mga magulang na hindi na muna uuwi. At mukhang masaya naman ang mga ito. Dahil napanood daw ng kaniyang pamilya at mga kaibigan ang buong pangyayari sa television. Buong bansa na raw ang nakapanood ng tila pamimikot na ginawa ni Micah sa binata. Gayon man ay wala na siyang pakialam doon. Ang tanging mahalaga lang sa kaniya sa mga oras na iyon ay ang isinisigaw ng puso niya. At iyon ay ang makapiling ang lalaking minamahal at hindi ito hahayaan na mawala sa buhay niya. Eksaktong nahubad na ni Samuel Junior ang kaniyang brassiere nang tumunog naman ang cellphone n