HINDI mapigilan ni Micah ang mapatili habang nagkakarerahan sila ng kabayo ni Samuel Junior. Sinasadya na nga niya na bagalan sa pagpapatakbo si Ameera pero hindi pa rin siya nito mahabol-habol. Mukhang kinakampihan talaga siya ng kabayo niyang si MD para hindi siya mahabol ng nobyo. Siguro dahil baka alam ng kabayo ni Micah na may agam-agam pa rin sa puso niya na sumama kay Samuel Junior pag-uwi nito ng California para ipakilala sa pamilya nito. May usapan kasi silang dalawa na kapag natalo siya ng nobyo sa karera, sasama siya kahit mga ilang araw lang. Ramdam naman ni Micah at sigurado na siya sa kaniyang sarili na totoong mahal niya ang kasintahan at handa na siyang magpakasal dito. Ang hindi lang niya maintindihan ay kung bakit nag-aalangan pa siya na humarap sa pamilya nito. Marahil