SAMANTHA’S POV “BABE, good news. Nakausap na raw ni Erron si Arjay,” masayang pagbabalita sa akin ni Carlos nang dumating siya galing ospital. Ginabi na siya dahil sa dami raw ng pasyenteng pinaanak niya, “Pumapayag na raw siya na ipa-DNA test uli si John Carlo. Kaya pupunta siya dito.” Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o hindi sa balitang dala ng asawa ko. Kaya hindi agad ako nakaimik. “What’s wrong, babae? Ayaw mo bang ibigay si John Carlo sa totoong tatay niya?” tanong ni Carlos nang mapansin niya ang hindi ko pagkibo. I took a deep breath. “Alam mo na gusto ko rin sana, babe. Para na rin sa ikabubuti ni John Carlo. Pero worried lang ako na baka gulo talaga ang dala ng Arjay na iyon imbes na katahimikan sa buhay natin. What if, kunwari lang pala na pumapayag siyang magpa-DNA? Pero