SAMANTHA'S POV ISANG LINGGO na rin simula nang mapatunayan naman na totoo nga ang sinabi ni Carlos na buntis ako. One month pregnant. Masiyado akong nalibang sa mga nagdaang araw kaya hindi ko napansin na hindi na pala ako dinatnan. Binalewala ko rin ang mga simpleng symptoms like pagkahilo o kaya ay pakiramdam na parang mabilis mapagod at palaging inaantok. Akala ko normal lang ang mga iyon dahil ilang araw din along walang maayos na tulog at pahinga dahil sabay na nilagnat sina Baby Ellie at John Carlo. 'Buti na lang talaga at nabanggit ko kay Carlos ang iba pang sintomas kaya nalaman agad namin. Para sa akin, isa ang araw na iyon sa pinakamasayang araw sa buhay ko. Ang malaman na sa wakas ay ipinagbubuntis ko na rin ang anak ng nag-iisang lalaki na minahal ko buong buhay ko. N