SAMANTHA’S POV KAILANGANG MASIGURO ang kalagayan ni Carlos kaya marami pang ginawang test sa kaniya ang mga doctor niya bago nila ipinaliwanag sa amin ang resulta habang tulog siya. “According to the test, your husband is experiencing selective amnesia, Mrs. Escalante,” mahinahong paliwanag ng doctor na isang Half-Filipino. “Ito ang naging ng kaniyang brain injury dahil sa malakas na pagpalo sa kaniyang ulo.” Nagkatanginan kami nina Nanay Rebecca at mga magulang ni Carlos. Pare-pareho pa rin kaming na-schock kahit may ideya na kami ng aking ina sa nangyayari sa asawa ko. “A-ano ho ang ibig sabihin no’n, Doc?” kinakabahan na tanong ko. “I mean, anong klase ho ng amnesia ang sinasabi n’yong ‘selective’?” “Ibig sabihin, he’s having difficulty recalling specific memories or events. Naban