SAMANTHA’S POV “H-HEY, babe,” nanginginig ang boses na sabi ko sa pag-aakalang binibiro lamang niya ako. Pero hindi maganda ang dating niyon sa’kin dahil kinakabahan na ako sa ideyang pumasok sa isipan ko. This kind of scene is familiar to me from TV shows. In fact, totoong nangyari kay Tatay Sam noong bata pa lang ako. Ngunit hindi ko kayang isipin na posible ring mangyari sa asawa ko. Nagsimulang lumakas ang kabog ng dibdib ko pagkatapos ng ilang segundo na hindi umimik si Carlos. Nakatitig lang siya sa akin. Blangko ang mukha. Hinawakan ko ang kamay niya ngunit nagulat ako dahil bigla niya itong binawi. Nang may pagtataka. “Who are you? And why did you call me ‘babe’?” Nagkatinginan kaming lahat dahil sa mga sinabi ng aking asawa. Bakas sa kaniyang mukha na naguguluhan talaga siy