CHAPTER 73

3048 Words

SAMANTHA’S POV ISINANDAL ko ang aking ulo sa balikat ni Carlos habang nanonood kami ng movie sa Netflix. Nakaupo kami sa mahabang sofa na nandito sa loob ng room namin. Mag-a-alas onse na ng gabi pero gising pa rin kami. Namuyat na naman kasi ang kambal. Ilang oras na nagpahele kaya nagpalitan kami ng asawa ko. Halos katutulog lang nila. Pero kami naman ngayon ang hindi dalawin ng antok. ‘Buti na lang at hindi na sumasabay sa puyatan si Ate Ellie. Mas maaga na siyang natutulog kaysa sa mga kapatid niya. “Baka inaantok ka na. Mauna ka nang matulog,” sabi sa akin ni Carlos habang hinahaplos niya ang aking buhok. “Hindi pa naman ako inaantok, babe. Manood muna tayo para sabay na tayong matulog mamaya.” Masuyo akong inakbayan ng aking asawa at dahan-dahan an inihiga sa sofa habang nakahiga

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD