SAMANTHA’S POV Three months later… “ANG cute-cute talaga ng mga apo! Manang-mana sa’kin.” “Si Abbie lang nagmana sa’yo pero sa’kin naman nagmana si Gabbie kasi lalaki.” “Hindi. Sa akin nagmana si Abbie. Kitang-kita naman na nakuha niya ang mga mata ko, o. ‘Di ba, Samuel?” “Hindi ako sigurado, Rebecca. Pero sigurado ako na kamukha ko si Gabbie at hindi ni balae. Dahil ganiyan na ganiyan ako ka-cute noong baby pa ako. Nakita ko sa mga litrato ko noon.” Natatawa na lang kami ni Carlos na nakikinig sa aming mga magulang na nagtatalo kung sino ba talaga ang kamukha ng aming kambal na anak na sina Abbie at Gabbie. Ayaw naming mangialam dahil alam naman namin na nagbibiruan lang sila. Dahil ang totoo, kahit kami ay hindi rin masabi kung sino ba talaga ang kamukha ng aming mga anak. Parang n