KABANATA 58: NATULOG ako at huling kausap ay si Clarenz pero ang isip ko naman ay siya. Saglit palang ang tulog ko at iritable ako sa sunod-sunod na doorbell sa unit ko. I didn’t manage to fix myself. Lihis pa ang suot kong nighties. Puyat ako sa paguusap namin ni Clarenz at gustong gusto ko pang matulog! Alas tres kami natapos at wala sana akong balak bumangon sa kama kung hindi lang dahil sa lintik na nagdo-doorbell na yan! Parang hindi makapag-antay ng kinabukasan! Masisigawan ko talaga kapag si Yenny ‘to! Siya lang naman may lakas ng loob na ganyanin ako. Nagkukusot pa ko ng mata at wala pang sapin ang aking paa ng halos takbuhin ko ang pinto para lang matigil ang ingay ng doorbell. What the hell is her problem?! Nakahanda na kong manigaw at mangain ng