KABANATA 59: IGINAYA ako ng Vice President na si Mr. Erick Wang palabas sa Malasakit Boardroom. Lumipat kami doon para magopisyal na magpirmahan ng kontrata. Itinaas ko ang suot na aviators at binitbit ang malaking bouquet. Dalawa iyon at nakay Yenny na ang isa. “Thank you, Mr. Wang.” Ngumiti ako ng ito pa ang nagbukas ng pinto para samin. Lumabas kami doon at sumalubong agad si Remi at Megan para kunin ang mga bouquet na bitbit namin. Mabilis na lumapit sakin si Lucas at parang ngayon palang ay gustong gusto ko na siyang itulak. Kinikilabutan ako sa isiping sobrang lapit niya sakin. Tinignan ko siya at pero blanko ang aking ekspresyon. Hindi ako pwedeng magpakita ng pangit ngayon dahil maraming nakakakita. Nagpasalamat kami kay Mr. Wang matapos kaming iha