KABANATA 60: ILANG shots pa ang kinunan at ngayon ay mga nakangiti naman ako. “Marvelous!” si Mark na panay ang puri sa bawat pose at click ng camera. “Exceptional!” “Turn around a little bit and look at the camera,” aniya at sinenyasan si Remi at Megan na ayusin ang buhok at ire-touch ang make-up ko. Matapos ang lahat ng gusto niyang ipagawa ay nagtuloy-tuloy na kami para naman sa commercial. Umalis ako para dumungaw sa gustong ipakita ni Mark sakin. “Wow! You really are skilled photographer! Ang ganda ng shots ko dito...” sabi ko at patuloy ang pagtingin sa iba pang kuha niya. Natigil ako ng marinig ang tawa ng staff kaya napatingin ako sa banda ni Lucas na nakikipagtawanan na sa babaeng staff kanina. Ano bang ginagawa ng staff na ‘yan