KABANATA 16: HINDI din ako nagtagal sa banko at umuwi din sa condo ko. Sa buong oras na pananatili ko doon ay hindi man lang niya ako tinapunan ng tingin. Para lang masilayan ko siya ng medyo matagal napilitan na kong magopen ng account sa banko. Natapos na ko lahat ang transaction ko sa loob ay masungit parin siya sakin. Kung babae lang ‘to iisipin ko may dalaw, e. Pinaghandaan ko pa naman din ang araw na ‘to. Nagpaganda ako! Nagayos ako! Nagpasexy ako! Tapos nganga? First time kong ginawa na magpapansin sa lalaki pero sablay pa. Dahil ayokong umuwi ng luhaan ay sinubukan ko parin na kausapin siya pero laging dead end naman ang kanyang mga sagot. At the end, hinayaan ko na lang. Baka una lang ‘to. Nashock lang siya na makita ako. Baka hindi lang ma-absorb n