KABANATA 15: KASAMA ko ang mga body guards habang namimili ako ng susuotin para mamaya. Hindi naman sila nakalapit sakin pero alam kong binabantayan nila ako. I decided to buy a criss cross crop top, tinernuhan ng high waist fitted jeans at heels. Sabi ko magde-dress ako pero nagbago bigla ang isip ko. Gusto ko ng sexy, iyong kita ang hubog ng katawan ko at kaunting skin. Next, I went to derma. Nagpa-facial treatment muna ako. Nakakahiya naman baka mapansin niya mamaya na may white heads ako. Sabihin niya mas makinis pa siya sakin. Ilang buwan ding walang derma itong mukha ko. Nagpabody scrubbing na din ako. After that, sa salon ako nagpunta para ipakulot itong buhok ko. I requested for a big wave hair. Hindi na ko nagpakulay or ano mang hair treatmen