KABANATA 14: MATAGAL na lumipas ang mga araw, linggo hanggang sa naging buwan. Eksaktong dalawang buwan mula ang nangyaring iyon sa magulang ko ay masasabi kong kahit pa-aano ay natanggap ko na at hindi na ako masyadong apektado. Sa mga nakalipas na buwan ay sinigurado kong abala ang sarili sa mga gawaing bahay at sa pagtatanim. Kapag bakante ay pinapagod ko ang sarili sa page-exercise at swimming. Malaking tulong din na kasama ko si Manang Julia dahil naiiwasan ko iyong kung ano-ano ang iniisip dahil palagi siyang nakabantay sakin. The news about my parents was slowly fading. Hindi na gaanong binabalita. Nagsawa na din ang publiko sa kanila kaya siguro ganoon. Matibay ang lahat ng ebidensya kila Mommy at napatunayan talagang may kasalanan sila kaya habang buhay na