KABANATA 82: HINUBAD ko ang suot na blue dress. Nalaglag iyon sa buhangin. Nagtakbuhan papunta sa dagat ang dalawa. Naiwan ako doon na tinatanaw sila. “Tara na, Alicia!” yaya ni Remi. Tumango lang ako habang nakangiti. Para kasing ayoko pang sumuong. Sumulyap ako sa mansion. Wala pa si Megan. Baka masakit parin ang tiyan? “Huy, tara na!” si Yenny naman ngayon ang sumisigaw at nagyaya sakin. Naka-lublob na sila ngayon sa tubig. Sobrang puti ng buhangin na parang kulay polvoron at pino din. Bukod diyan ay tunay na malinaw ang tubig. Kaya nakaka-akit maligo sa dagat dahil doon. “Inaantay ko si Megan!” sigaw ko dahil medyo malayo na sila sakin. Bumaling ulit ako sa mansion at lumabas na nga doon si Lucas pero wala ang aking make-up artist. Nag-jog siya