SPECIAL CHAPTER 1: PINAGPAPAWISAN ang aking kamay habang pinapakalma ang sarili. Pababa na kami sa eroplano ng hinigit ko ang kamay ni Lucas. Bumaling siya sakin pero hindi ko makita ang kanyang ekspresyon dahil nakasuot ito ng salamin. “Kinakabahan ako...” mahina kong sambit. Totoo naman talaga. Kanina pa nga ako hindi mapakali sa buong biyahe namin pauwi ng Pilipinas. I took my vacation leave just to meet his parents. Wala pa kaming isang buwan pero heto at ipakilala na ako sa pamilya niya. Kinakabahan ako dahil naalala ko na naman iyong nangyari sa kapatid niya. Nakokonsensya parin ako kahit na nabanggit ni Lucas na wala namang alam ang mga magulang niya tungkol sa totoo kong pagkatao. Kilala siya ng mga ito bilang sikat na modelo. Kaya nga pinilit pa nila ang no