SPECIAL CHAPTER 2: NANGINGINIG ang boses ni Lucas habang kumakanta palapit sakin. Nakatakip lang ang aking bibig para takpan ang labis na pagngiti. “I'll be your dream. I'll be your wish. I'll be your fantasy. I'll be your hope, I'll be your love. Be everything that you need. I'll love you more with every breath. Truly, madly, deeply do. I will be strong, I will be faithful. Cause I'm counting on...” Napuno ng tilian at hiyawan sa buong restaurant. Ngayon naiintindihan ko na kung bakit kami lang ang narito. Walang humpay ang kislapan ng camera. May nakita pa kong professional photographers na nagko-cover sa buong eksena. “A new beginning, a reason for living. A deeper meaning, yeah...” Natatawa ito ng tuluyan ng nakalapit sakin. Hinampas ko siya ng