KABANATA 49: BUMALIK ako agad kay Yenny matapos na makuha ang bagahe. Nagyaya pa itong kumain muna kami bago umuwi sa bahay nila but I refused. Wala ako sa mood at naintindihan niya naman iyon. Sa sasakyan palang niya ay panay na ang tanong nito ang kaso ilang tanong palang niya ang nasagot ko dahil nagiiyak na ko. “Shuta ka! Ayoko na nga magtanong! Tsaka na tayo magusap kapag okay na pakiramdam mo. Kapag magaan na sa loob mo na ikwento lahat.” Kumuha ako ng tissue at sumingha doon. Hindi na maawat ang luha ko at panay ang hagulgol. “Inom na lang tayo mamaya. Pagkatapos non tama na. Hindi mo na sila iisipin. Marami pang iba diyan. Way-way better pa kay Lucas. You just have to wait or entertain guys. Para mawala siya sa isip mo. Lahat ng tingin mong maka