KABANATA 50: INABOT kami ng gabi ni Yenny sa inuman. Mugto na ang mata ko sa kakaiyak. Para na kaming baliw na iiyak mamaya ay tatawa. Nagparty-party na kami sa kwarto ko kahit wala namang music. Hilong hilo na ko ng mahiga sa kama. Ganoon din si Yenny na sumubsob na sakin dahil sa kalasingan. Ilang alak ang naubos namin at nagkalat lahat sa sahig. “B-baks! Kadiri, dede mo! Layo mo nga!” Reklamo ko ng bumaling ako sa kaliwa at s**o niya ang bumungad sakin. Umungot lang ito pero hindi naman gumalaw. Ako na lang ang bumaba at humiga sa sahig. Mabuti na lang at de carpet kaya kahit pa-paano hindi matigas matulog. “The f**k?!” boses ni Axel iyon sa British accent na gamit. “Honey? Why did you drink so much? Hey! Wake up!” “Alicia? My godnes