KABANATA 74: Nagising ako dahil sa alarm clock. Kinapa ko pa iyon sa bedside table kahit na nakatalukbong ng kumot. Sumakit ang ulo ko sa lakas ng tunog. Pagkatapos patayin ay nagpahinga pa ko. Nakalimutan ko na huwag i-set ang alarm clock. Wala naman akong trabaho ngayon, e. Sa sobrang lasing ko kagabi pati 'yon nakalimutan ko tuloy. Imbes na matutulog pa ko naistorbo tuloy. Pinilit kong matulog pero hindi; ko na nagawa. Alas otso palang ng umaga. Alam ko 'yan kahit hindi ko pa tignan ang orasan. Ganyang oras kasi ako naga-alarm. Inalis ko ang quilt. Sumasakit ang ulo ko. Bakit ba kasi tinodo ko ang pag-inom kagabi! Bumangon ako sa kama. Nag-unat at humikab. Natigilan ako bigla ng maalala ang nangyari kagabi. Nagising ako ng madaling araw. Nagsuk