KABANATA 73: NAHIHILO na ko sa ilang shots na nainom. Panay ang headbang ko at nakikisabay sa sayaw ng mga tao. “Wooo!” I shouted. Tawa ko ng tawa at tumatalon na din. Pakiramdam ko pagkatapos nito diretso tulog ako. Tagaktak na ang aking pawis pero hindi ko iyon pansin lalo na ng umuulan na ng confetti. Sinabayan pa ng tugtog kaya tuwang tuwa din ang mga tao sa dancefloor. Sobrang saya ko sa nangyari saking career. May kulang man sakin ngayon alam kong balang araw mapupunan din iyon. Hinatak ako ni Yenny paalis sa dancefloor. Kunot noo akong sumunod sa kanya pero nagpatianod parin naman sa hawak niya. “Tama na! Umuwi na tayo! Lasing ka na gaga ka!” si Yenny na halos pumutok na ang ugat sa kanyang leeg sa sobrang lakas ng kanyang boses. Kailangan niyan