Ang Kwento ni Prinsipe Malik AiTenshi Part 32: Ang Limang Haligi "Ang Limang Haligi" Matapos ang kasiyahan kagabi, halos tanghali na noong magising kami ni Malik. Agad kaming bumalikwas ng bangon at sabay nag punta sa banyo upang maligo. Ngayon kasi ang araw na mag pupunta kami sa silid aklatan ng palasyo upang mag saliksik ng iba pang impormasyon ukol sa mga isla na posibleng pinag tataguan ni Caleb. Ang silid aklatan ng palasyo ay nakapwesto sa pinaka itutok na bahagi ng kastilyo. Isang malaking silid ito na inilaan sa pag lilikom ng mga impormasyon, lumang kasulatan at kung ano anong tala sa kasaysayan ng buong Apresia. Dito madalas namamalagi ang mga taga payo upang mag siyasat at mag mag aral ukol sa kasaysayan. "Maligayang pag dating po sa si