Ang Alamat ni Prinsipe Malik AiTenshi Part 33 :Ang Manlalakbay Matapos kong malaman ang kasaysayan ng mga nag daang haligi ng Apresia ay mas lalo ko pang naunawaan ang kahalagahan ng pagiging pinuno. Isang malaking responsibilidad ang naka atang sa balikat ni Malik at hindi ito basta basta laro lamang. Ang bawat problema at pag subok ay pag aalayan niya ng dugo at pawis para mapagtagumpayan at kung minsan ay itataya pa niya ang kanyang sariling buhay. "Anong iniisip ng asawa ko? Parang kanina ka pa nakatingin diyan sa dalampasigan ah? Ano bang mayroon diyan?" ang tanong ni Malik habang nakayakap sa aking likuran. "Ah e, wala naman. May gumugulo lamang sa aking isipan." sagot ko naman. "Ano naman kaya iyon?" "Basta, nag aalala lamang ako tol. Ang lahat ng mga nag daang hali