Ang Alamat ni Prinsipe Malik AiTenshi Part 34: Ang baliw na si Marcus Noong bumalik ang aking ulirat, natagpuan ko na lamang ang aking sarili sa loob ng isang kweba na malapit sa dalampasigan. Nang hihina pa rin ang aking buong katawan at pati ang aking kalamnan ay binabalot ng matinding panginginig. Marahan kong inikot ang aking paningin at doon ay nakita ko si Marcus na nakahubad at tanging maong na pantalon lamang ang suot nito habang nakatalikod sa akin at mayroon siyang pinupukpok na kung ano gamit ang bato. Ngunit ang labis na nakapukaw ng aking atensyon ay ang pakikipag usap nya sa kanyang sarili. "Patayin mo ang lahat ng gusto mong patayin. Wala akong paki alam kung pira-pirasuhin mo ang katawan ni Malik. Basta huwag mo lang gagalawin si Miguel dahil akin siya!" ang w