Ang Alamat ni Prinsipe Malik AiTenshi Part 27: Ang Masakit na Katotohanan "San ka pupunta? Mag usap tayo please." pag pigil ni Malik sa akin. "Wala tayong pag uusapan, malinaw ang lahat hindi ba? Kitang kita ng dalawang mata ko ang kababuyan nyo." tugon ko. "Hayaan mo akong mag paliwanag. Please naman, huwag mo naman gawin sa akin ito." muling pag pigil nito na parang isang maamong aso. "Anong ipapaliwanag mo? Sasabihin mo sa akin nag lalaro lamang kayo ng patintero sa kwarto habang walang saplot? O baka naman gusto mong isipin ko na nag tataguan lamang tayo doon sa itaas?" sarcastic kong tanong Natahimik si Malik at hindi agad ito nakasagot. Ang totoo nun ay wala naman talaga siyang ipapaliwanag dahil malinaw pa sa sikat ng araw ang kanyang kataksilan. "Grabe ka Malik, wa