IKA-SINGKUWENTA NA KABANATA

2052 Words

Dahil na rin sa magandang pakiusap ni Mang Carlito sa anak ay pumayag itong umuwi kasama ang mga magulang. Nagbigay daan din naman siya. Kahit gusto siyang isama ng dalaga. Nadaan din naman ito sa magandang usapan. "Anak, unawain mo rin ang mga magulang mo. Hindi naman ako mawawala sa buhay mo. Ayaw mo ba iyon mas marami ka ng Tatay? Mas maraming nagmamahal sa iyo. Sumama ka na sa kanila, anak. Huwag mong ipagkait ang panahong makasama," sabi niya ng nabigyan siya ng pagkakataong makausap ito. "Hindi naman sa ayaw kong sasama, Itay. Sa katunayan ay natatakot ako. Nasanay ako sa buhay mayroon tayo. Simpleng buhay, ang makasama ka, mapaglambing sa iyo ay masaya na ako. Natatakot ako na baka malagay na naman ang buhay ng bawat isa dahil sa akin. Sa kabila no'n ay gusto ko rin silang makasam

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD