"Wala pa ring ipinagbago ang Baguio City. Kahit summer ay malamig pa ring," sabi ni Pastoral Nardo ng sa wakas ay nasa terminal na sila ng bus. "Hindi kagaya ng Manila kahit buwan ng December na maaring sabihing tag-lamig. Kaya pala ganoon na lamang idolized ng anak ko ang Baguio dahil napakaganda naman talaga," tugon naman ni Carlito. "Tama ka, Carlito. Ang Baguio ang isa sa pinakamalinis na siyudad sa bansa natin. Tungkol sa anak mo ay talagang gustong-gusto niya ang lugar na ito dahil ang dugong nanalaytay sa kaniya ay nagmula rito. Taga La Union ang mga Sandoval, Carlito. Hindi ko lang alam kung narinig mo na ang mga agencies ng Sandoval, sa pamilyang pinagmulan ni Agatha iyan nabibilang. Pero mas mamangha ka kapag masilayan at makasama mo silang lahat. Mayaman sila pero hindi nila u