Hindi man niya (Silvia) napuntahan ang tahanan ng dati niyang nobyo noong hindi pa nila nalaman ang tungkol sa anklet, pero hindi naging sagabal iyon upang hindi niya malaman kung saan niya ito matatagpuan. Pagkalabas pa lamang niya sa Manila City Jail ay hindi na siya nagsayang ng oras. Umuwi siya sa dating tahanan ng kinilala niyang pamilya. Nasuwertihan niyang walang tao kaya't malaya siyang nakapasok. Doon siya nagpalit ng damit, ginawa ang lahat upang mag-iba ang anyo niya para malaya siyang makakakilos. "Lintik lang ang walang ganti! Mga hayop kayong lahat! Ipaparanas ko sa inyo ang hirap na dinanas ko sa loob ng kulungan. Dalawang taon din ako sa loob at hindi lang iisa ang bumaboy sa akin kaya't hindi ako titigil hanggat hindi ko kayo nauubos!" Napakuyom ang palad dahil sa pagngin