SA kabilang banda, hindi maipaliwanag ni Agatha ang lungkot na sumalakay sa kaniya samantalang nakapagpaalam na ang kasintahan. Pakiramdam niya'y kay bigat na ng pakiramdam. Naisip niya tuloy, iba rin pala kapag actual na. Aminin man niya o hindi ay parang gusto niya itong pigilan kaso ayaw naman niyang maging ipokrita. "Huwag ka ng malungkot, My Pearl. Ilang araw lang naman ang pagkawala ko, I mean two weeks lang naman. Don't worry dahil ikaw lang ang mahal ko. I love you, My pearl." Niyakap ni Brian Niel ang kasintahan ng napansin ang lungkot sa mukha ng kasintahan sa kaniyang pagbaba. Sa Switzerland ang dinaungan ng barko kaya't doon din siya bumaba. Nakapa-book na siya ng ticket niya online bound for his native land, Philippines. "Siyempre hindi maiwasan, Boss. Dalawang taon na simu