Kabanata 9 | Fate Will Lead the Way

1704 Words
He cooked me a Denver omelet. He had slices of strawberries and bananas. May kape at orange juice rin . For the longest time naramdaman kong muli kung paano pahalagahan.            “Doon tayo sa veranda kumain. Papasikat pa lamang ang araw,” anyaya nito sa akin.            “Ang aga mo naman nagising.”            “Hindi ako makatulog,” aniya habang nakatitig sa akin.            “But you were snoring,” pangaalaska ko rito.            “I don’t think humihilik ako kapag natutulog,” sagot nito sa akin.”Come on. Wear this,” inabot nito sa akin ang roba na nakapatong sa paanan ng aking higaan.” We’ll miss the beautiful sunrise.”            “Tumalikod ka,” utos ko sakaniya.            “Nakita ko na ‘yan. Ba’t ako tatalikod?”            “Ian, please. Turn around!” Tinalikuran ako nitong ngumiti-ngiti habang hawak-hawak ang tray ng pagkain. Lumipas pa ang ilang minuto hindi pa rin ako sumunod sa kaniya.            “Aria, are you okay?”            “I-I am sore. I can’t walk,” naiiyak kong sagot sa kaniya. Maya-maya pa dinulugan ako nito.” I should have taken it easy last night. I’m sorry.”            “Bakit ka nag-sosorry? Ginusto ko naman.”            “You should rest all day. Para may lakas ka mamaya sa biyahe natin.”            “Aren’t we strolling around?”            “Well, we can go after lunch. Maaga pa naman. After breakfast, you can go back to sleep. May aasikosohin lang ako. I cooked some food. I left it in the kitchen. Kung magutom ka. Initin mo na lang.”            “Saan ka pupunta? Puwedeng sumama?”            “I can take you with me. But you said you’re sore. Mas mabuting magpahinga ka na lamang.”            “Dito ka na lang, Ian. Importante ba?”            “Hindi naman,” sagot nito sa akin. Pakiramdam ko naging needy ako bigla. Nabuo ‘yong takot ko na baka sa paglabas ni Ian hindi na ako nito balikan. Hindi ko na maintindihan ang sarili ko. Sa isang iglap. I am all swooned with a stranger. Ni hindi ko alam ang buong pangalan niya o saan siya sa Pilipinas nakatira. Pakiramdam ko nagpakawala na ako. All because of Giancarlo. Subalit hindi ako nakakaramdam ng pagsisisi. Ginusto ko ang nangyari sa amin. Wala rin akong pangambang may mabuo sa aming pagsisiping dahil pareho naman ang problema naming dalawa kaya kami niloko ng aming mga karelasyon.            “Let’s eat then. We can walk around Playa de Caldetes. There is this pastry and cafe along the shore. Magugustohan mo roon.”            “Patatabain mo naman yata ako, Ian.”            “Traveling is all about food trips and sightseeing. Adventure and fun. Sabi mo, you want me to get lost with you. I am doing it, Aria. I am already lost with you.”            “Kumain na tayo. Nagiging cheesy ka na,” biro ko rito.            “Kaya mo ba?”            “Hmm. . .” tumango lang ako sa tanong niya. Kapagdaka’y basta na lamang akong nitong inangat sa ere at dinala sa veranda.            “Juice or coffee?”            “Kape.”            “Cream or black?”            “Cream. No sugar.” # # # I don’t know why I was too excited to wake up and cook breakfast for Aria. Sa sobrang excitement ko pati pananghalian naluto ko na rin. I was never like this with Monique. Hindi ko naalalang naipagluto ko siya. Siguro iyon ang kulang sa aming relasyon.Akala ko sapat na iyong binibigay ko ang lahat ng kailangan niya. Kung para sa akin ang babaeng aking kasama ngayon.Pahahalagahan ko siya higit sa nagawa ko kay Monique. Hindi pa man kami bente quatro oras magkakilala. She's too important to me. Sa ilang saglit nakuha niya na agad ang tiwala ko. Nahulog agad ang damdamin ko sa kaniya. “Ian, ikaw. Hindi ka ba kakain?” “Kumain na ako kanina sa kusina.” “Sabayan mo ako. Hindi ko kayang ubusin lahat ng ‘to.” “Kainin mo lang ‘yong kaya mo. I don’t want you starving.” “Hindi na mauulit ‘yong kahapon, promise,” sagot ko rito. “I am going to the bank to withdraw some cash for you. How much do you need?” “I don’t know. Ten thousand euros?” Tumigil ito sa pagkain.Then, she unclasped the necklace she was wearing. It was a teardrop diamond pendant in a gold chain.            “Itago mo muna ito. It’s my collateral for the money you will lend me.”            “Aria, hindi ito kailangan.”            “Ian, tanggapin mo na. Para malaman mo na hindi kita tatakbuhan. It’s an heirloom. Bigay sa aking ‘yan ng ninong ko. Mula pa ‘yan sa mga ninono niya. Please, take diligent care of it. Tutubusin ko rin ‘yan kapag nakabalik ako sa Pilipinas o sa Italya.” Pinagmasdan ko ang kuwintas na iyon. Kapareha iyon sa kuwentas na nakita ko sa kuwadro ng aking Lolo Celes. Ang sabi ni Inay pinasadya raw iyon ng mga magulang nito. Isang palatandaan ng pagiging isang Palermo. Sa kuwintas na iyon ay may naukit na letrang ‘P’ sa mismong dyamente.            “Iingatan ko ito, Aria.Pangako.”            “Halika, isusuot ko sayo. ‘Wag mong tatanggalin, Ian.”            “Hindi naman iyan bagay sa akin. Pangbabae ang kuwintas na iyan.”            “Eh, bakit suot-suot ito ng ninong ko?”            “Napaka importante mo naman sa ninong mo para ibigay sa’yo ang kuwintas na ‘to.”            “Siya ang ama ng nobyo ko. Ang ninong ko ang nagsilbing magulang ko habang abala ang mga magulang ko sa kani-kanilang trabaho at negosyo. Bata pa ako doon na ako sa kaniya iniiwan ni Mamita. Bukod sa nobyo ko may bata pa akong kalaro sa mansyon ng ninong ko. Pero bigla na lamang siyang nawala.”            “Natatandaan mo po ba ang buong pangalan niya?”            “Hmmm. . .hindi. Hindi na. Basta Bellisimo ang tawag ko sa kaniya.”            “Bakit ‘belissimo?’”            “Eh,mukha kasi siyang manika.”            “Bully ka pala,” biro ko rito.            “I am not bully. Mukha talaga siyang manika. Ang pupula pa nga ng labi niya.”            “Ilang taon kayo noon?”            “Hmmm. . . That boy was way older than me.”            “Two or three years older?”            “No. Siguro kasing tanda mo siya.”            “Matanda na ako?”            “No. I didn’t mean to say your matanda. I mean ma-magka-age kayo,” nagkanda-utal utal na sagot nito sa akin.            “I had a friend too. Noong nakatira pa kami ni Inay sa bahay ng aking ama.”            “Talaga?” Ano’ng pangalan niya?”            “I have forgotten her name.”            “Childhood sweetheart mo?” “No, I don’t think. She is,” sagot ko kay Aria. Hindi ko na matandaan ang mukha ng batang iyon. Madalas ko siyang makita sa mansyong ng aking ama. Gustong-gusto nito makipaglaro sa akin subalit pinagbawalan akong lapitan ito. “Tanggap ka ba ng pamilya ng tatay mo?”            “Hindi. Pero mahal ako ni Lola Celes. Ang sabi niya pa kahit hindi ako ang tunay na anak ng Papa ko. Apo niya pa rin raw ako. Kasi kamukhang-kamukha ko raw ang lolo ko.”            “Ilang taon ka nga ng umuwi sa Pilipinas?”            “I was young. Pitong taon yata. Matapos ilang taon pinabalik kami ni Lola Celes sa Italya. Subalit nagpasya si Inay na uwuwi na lamang sa Pilipinas. Hindi sila magkasundo ng asawa ni Papa. Ginawang kabit ni Papa ang Inay ko. Ayaw naman makipaghiwalay ng asawa ni Papa sa kaniya.”            “Eh, ‘di minahal ng Papa mo ang iyong ina?”            “Marahil. . . siguro. Pero kahit kailan hindi ko naramdaman minahal niya ako.”            “Minahal ka niya, Ian. Siguro hindi niya lang alam kung paano niya ipadarama iyon sa’yo.”            “Eh, ikaw. Mahal ka ba ng mga magulang mo?”            “Siguro. Sinasama naman ako ni Mamita sa lahat ng lakad niya. Anak naman ang pakilala niya sa lahat ng mga kaibigan niya sa akin. Pero hindi niya ako inalagaan katulad ng Nanay Binday ko.”            “Eh, ‘yong tatay mo?”            “Mahal ako ni Papa. Kaya noong tuluyan niya na akong iwan sa pangangalaga ni ninong. Nasaktan ako. Nasaktan ako ng lubusan ng malaman kong pangbayad utang lamang pala ako. Iyon lang ang halaga ko sa ama ko, Ian. Kaya mas masuwerte ka sa akin. At least ikaw hindi ka pinangbayad utang.”            “May dahilan siguro ang iyong ama, Aria. Balang araw kung magkikita man kayong muli. Sana mahanap mo ang katahimikan at kapatawaran sa puso mo.” Naubos ni Aria ang laman ng pinggan na dala ko. ”Mukhang nasarapan ka sa luto ko,” biro ko sa kaniya.            “Yeah, I did. You cook like a Michelin chef,” papuri nito sa akin.            “Kusenera si Inay.”            “Ah, so minana mo pala ang galing sa pagluluto sa nanay mo.”            “Hindi lahat. Ang iba pinag-aralan kong lutuin.”            “Mahilig ka pala magluto?”            “Kapag may oras lang.”            “Naipagluto mo na ba ang nobya mo?”            “Ang nobya ko ngayon o noon?” nakangiting sagot ko sa kaniya.            “Sino naman ang nobya mo ngayon?” ngingiti-ngiting tanong sa akin ni Aria.            “Ikaw. Ayaw mo ba?”            “Salamat sa agahan, Ian. Nabusog ako.” Pagiiba nito ng usapan. Kinuha ko ang pinagkainan niya. ” Maiwan muna kita. I’ll head to town. Magwiwithdraw lang ako sa bangko.” “Okay. I’ll pack my things then.” “Iwanan mo na lang ang ibang gamit mo rito. Ilang araw lang tayo roon.” “No, I am planning to go home to Vienna after our trip.” “I’ll come with you.” “No, Ian. Gusto kong harapin ang problema ko mag-isa.” “Pero babalik ka naman sa Pilipinas ‘di ba?” “Oo, kapag naayos ko na ang dapat kung ayusin sa Vienna.” “Magkakahiwalay rin pala tayo,” malungkot kong wika. “If we are meant to be together. Fate will lead the way.”  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD